Bolinao, Pangasinan: A Beautiful Philippines Travel Destination

We are all familiar about Maldives Islands, right? It is one of the most Famous Island in the world with a clear water and white sand beaches. But wait, meron din tayong mala Maldives White Sand Beach sa Pilipinas. At ito nga’y matatagpuan sa Probinsya ng Pangasinan. Wala na ngang iba, kundi ang Patar White Sand Beach, Bolinao, Pangasinan na may madaming Resorts. Naging sikat na din ito sa mga tao, hindi lamang sa Pilipinas, kundi pati na din sa ibang mga bansa. Naging Tourist Spot na nga ito at naging tanyag sa listahan ng mga magagandang tanawin at pook bakasyunan sa Bansa.

Why Do Tourists Visit Bolinao?

Bakit nga ba? Ito ay dahil sa taglay nitong Golden colored shores, mga talon o waterfalls, mga lumang simbahan, at madami pang natural attractions. This 1st Class municipality has a long history that dates back to the 1570's.

OnlineJobs.ph Banner 728x90

What is Bolinao known for?

Ang Bolinao ay tanyag dahil sa mga white sand beaches (especially Patar white sand beach, Bolinao), mga rock formations, at ang sikat na sikat na Lighthouse sa bansa, ang Cape Bolinao Lighthouse.

What Souvenir Can You buy at Bolinao?

Kung ililista ang mga souvenirs na mabibili sa Bolinao, ay napakahaba. Sa sobrang dami nga naman ng kanilang mga offered products. Ang listahang nasa baba ay ilan lamang sa mga maaaring mabili na souvenir sa Bolinao.

 

Souvenirs:

  • T-shirt
  • Bags
  • Wallet
  • Key chains
  • Bracelets
  • Anklets
  • Necklace
  • Wall Decor
  • House Decor
  • Dream Catchers
  • Corals
  • Dried Starfish
  • Sand
  • Clothes
Bolinao Pangasinan Souvenir
Bolinao Souvenirs

 

What is Patar Beach Known for?

Ang Patar Beach sa Bolinao ay kilala dahil sa angkin nitong ganda. Lalo na sa kanyang puting mga buhangin. Isa din sa mga dahilan ay dahil sa maganda itong languyan o excellent place for swimming kahit pa hindi ganun kadami ang underwater marine life na nasa shore. Ang tanaw na tanaw nitong ganda tuwing sunset viewing din dito ay kilala dahil sa lokasyon nitong nakaharap sa lokasyong ng West Philippine Sea.

 

Bolinao Pangasinan Sunset

Patar Beach sunset

 

What Are The Products Of Bolinao?

1. Kung titignan natin ang origin ng saling Pangasinan, ito ay Pang-Asin-an.
Kaya naman ang Pangasinan ay kilala sa mga produkto nitong:

  • Asin o Salt- Napakamura ng asin sa Bolinao, kaya naman karamihan sa mga panindang asin sa Pangasinan ay dito nanggagaling.
  • Bagoong o Fish Sauce- May iba’t-ibang presyo naman ang bagoong sa Bolinao, depende ito sa klase ng gusto mong bilhin. Nagrarange naman ang presyo ng bagoong sa 15-70 pesos per cup.

2. Hindi na lingid sa ating kaalaman na ang Pangasinan, specifically sa Bolinao ay maraming karagatan. Kaya naman isa sa mga pangunahing produkto nila
rito ay mga isda.

  • Fresh Seafoods and Fish- ito ay ang mga kaka-angkat lang galing sa mga mangingisda mismo. Talagang buhay na buhay pa at napakasariwa. Maeengganyo nga naman ang mga mamimili na bumili ng mga ito. Lalo na sa mga seafood lovers, napakadami nilang mapagpipilian.                                 
  • Dried Fish – ito naman ay isa din sa sikat nilang mga produkto na kinahuhumalingan ng mga turista, Pinoy man o Foreigner. Sapagkat ito ay maaari mong ibyahe na kahit ilang araw ay hindi ito mapapanis o masisira. Sadya rin naman na magagaling din ang mga taga Bolinao sa larangan ng paggawa ng dried fish, most especially Danggit. Meron pa nga ang kataga nilang: Trust me when I say – ” If you want to make a Filipino happy, get them some dried Bolinao ”

Syempre may kanya-kanyang delicacy ang bawat lugar. Meron ding matamis
na produkto ang Bolinao, baka isipin ninyo na puro alat na lamang.
But kidding aside, meron din maipagmamalaki sa larangan ng kakanin ang
Bolinao. Ito nga ay ang tinatawag nilang Binungey.

  • Binungey – ang binungey ay isang klase ng kakanin na nakasilid o nakalagay hindi sa container, hindi sa bilao, hindi sa dahon ng saging kundi sa loon ng kawayan. Kung iyong tatanungin ang mga nagtitinda nito kung ano nga ba ang ibig sabihin ng Binungey, o bakit binungey ang tawag nila dito, isa lang ang eksplanasyon nila dito “Suman sa Kawayan” o sa english ay “Rice Cake in Bamboo”.

 

OnlineJobs.ph Banner 336x280

Top 10 Attractions to Visit in Bolinao

  1. Patar Beach
  2. Bolinao Falls 1
  3. Enchanted Cave
  4. Bolinao Falls 2
  5. Cape Bolinao Lighthouse
  6. Saint James the Great Parish Church
  7. Tara Falls
  8. Patar Rock Formation
  9. Wonderful Cave
  10. Cindy’s Cave

 

Outdoor Activities in Bolinao

  • Camping
  • Team Building
  • Beach Volleyball
  • Snorkeling
  • And many more…

aramihan sa mga nagbabakasyon dito ay kasama ang kanilang buong pamilya. Nag-ga-gather sila dito ng kanilang outing, swimming at kung ano-ano pa. napakadami din naming selfie spot sa Bolinao na talaga naming kalat sa buong mundo. For companies, you can also create a great experience in Bolinao with your employees or the whole team for recreational activities like team building. Sa luwang ng mga shore nito ay madaming pwedeng gawing activities, games or recreational activities. Swak na swak sa mga nais mag outing na companies. Bukod sa mura na, sulit na sulit talaga dahil sa ganda ng lugar, may sariwang hangin at magandang tanawin. Napakaganda nga naman ng Pilipinas, tunay nga itong pinagpala at Perlas ng Silanganan, at napakapalad nito dahil meron ang Bolinao na isa sa pinakadinarayo ng mga turista. Malaking tulong ito sa larangan ng turismo at ekomomiya ng bansa. Ganun din, ay nagbibigay din ito ng kagalakan sa bawat puso ng mga Pilipino, sapagkata tunay nga namang maipagmamalaki ito. Hindi lamang sa ginto ito mayaman, kundi napakayaman din nito sa ganda ng kalikasan. Napakarami nitong mga lugar na talaga naming kinahuhumalingan ng mga tao, hindi lamang ng mga Pilipino, kundi pati na din ng mga Dayuhan. Kaya naman tangkilikin pa natin ang sariling atin, piliin natin ang Pilipinas.

 

How To Make A Delicious Mango Cheesecake Recipe

How To Make A Delicious Mango Cheesecake Recipe A fresh delicious mango cheesecake will certainly be a popular dessert at your gathering! Can you imagine it’s a hot humid day? Besides being refreshed, how about tickling your taste buds with a fresh delicious mango...

How Chickens Are Raised In The Philippines

How Chickens Are Raised In The Philippines Ang pag-aalaga ng mga manok sa likod-bahay ay maaaring maging isang kapakipakinabang na karanasan at isang mahusay na paraan upang turuan ang mga bata tungkol sa kalikasan, agrikultura at responsibilidad sa pag-aalaga ng mga...

Goat Farming In The Philippines

Goat Farming In The Philippines Ang mga magsasaka sa Pilipinas ay nag-aalaga ng katutubong Kambing dahil naniniwala ang mga magsasaka na mas mura ang mga ito sa pag-aalaga kumpara sa mga purebred. Mga 10 katutubong Kambing ang maaaring pakainin sa mga feedstuff na...

How Rice Is Grown In The Philippines And Its Benefits

How Rice Is Grown In The Philippines And Its Benefits   What is Rice or Palay? Ang Palay (Genus Oryza) ay isang halaman sa pamilya ng mga damo na isang pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng halos kalahati ng populasyon ng tao sa buong daigdig. Ang Palay ay...