DELICIOUS SPECIAL ATCHARA / PICKLED GREEN PAPAYA

  • Ang atchara o atsarang papaya ay kilala bilang isang paboritong pang himagas ng mga pilipino lalo na ng mga matatanda.
  • May Iba’t ibang pamamaraan ng pag gawa ng atchara ngunit ano man ang sangkap na gamitin ng mga gumagawa ng atchara ay talaga namang patok at pasok parin sa panlasa ng masa
  • Malibam sa masarap na lasa nito ay madami din itong health benefir na ibibigay sa ating katawan.
  • Kaibig-ibig ang pagiging malikhain ng Pilipino hindi lamang sa mga bagay bagay kundi maging sa mga pagkain.

Halina at samahan niyo akong alamin kung paano ang pag gawa ng Special atchara.

MGA HAKBANG:

Mga kasangkapan / Ingredients

  1. Fresh Green Papaya/hilaw na papaya
  2. 2 cups of Cane Vinegar or any kind of Vinegar/Suka
  3. 2 table spoon Salt/Asin
  4. 1 tea spoon Black Pepper/Pamintang buo
  5. 200 grams of Raisins/Pasas
  6. 2-3 pcs of Onions/Sibuyas
  7. 5-10 pcs Clove of garlic /bawang
  8. 1 medium size Ginger/Luya
  9. 1 can Pineapple chunks/Pinya
  10. 2-3 pcs of Carrots
  11. ½ Brown Sugar/Asukal
  12. 3 pcs of Bell pepper/ Sili
  13. 2 Cups of water

 

PROCEDURE

Sa pag gawa ng special atchara mas mainam na kompleto ang mga sangkap upang mas maging malasa ang lulutuin o gagawin at upang mas tangkilin ito ng mga tao, maging ang mga bata ay magugustuhan ang ating special atchara, narito ang mga hakbang sa pag gawa ng atchara:

 

Paraan ng Paghahanda ng Papaya

 

1.Hugasan ng mabuti ang mga bagong pitas na papaya at simulan itong balatan, siguruhing maalis ng maayos ang mga balat kinakailangan na walang matirang kulay green o berde sa katawan ng bunga ng papaya kapag ito ay binalatan upang hindi ito magdulot ng di kanais nais na lasa katulad ng mapait at mapaklang lasa .

 

  1. Pagkatapos magbalat ng mga fresh papaya ay hiwain ito sa gitna at simulang tanggalin ang mga buto nito, at matapos tanggalan ng buto hugasang muli ang papaya at hiwan sa mga katamtamang size na pahaba.

 

  1. Pagkatapos na itoy mahiwa o mahati hati pwede na itong simulan na gadgarin upang ito ay maging pino, tignan ang pinakamainam na laki ng gadgaran huwag masyadong pino huwag din naman malalaki gadgarin ang lahat ng papaya na naihanda upang gawing atchara.

 

  1. Pagkatapos gadgarin ang lahat ng papaya ay pwede na itong pigain. Sa pagpipiga ng papaya ay kailangang gumamit nga asin damihan ang paglahay ng asin sa nagadgad na papaya at simulan itong lamasin sa asin upang lumabas ang katas nito pagkalipas ng ilang minuto na panlalamas ng papaya sa asin ay pwede na itong pigain ng mabuti. Siguraduhin na mapipiga ng mabuti ang nagadgad na papaya upang mawala ang lasa ng pakla o dagta ng papaya.

 

5.Kapag napiga na ng husto ang papaya ay pwede na itong patuyuan saa hangin o maaari din itong ibilad sa araw.

 

Paraan ng paghahanda ng mga sangkap

 

  1. Mag balat ng 5 hanggang 10 na ngipin ng bawang at hiwain ito nģ maninipis na pahaba.
  2. Mag balat ng 2 o tatlong pulang sibuyas hiwain ito sa katamtamang laki huwag masyadong manipis huwag din naman masyadong makapal.
  3. Mag balat ng luya at hatiin ito sa maninipis na parte at saka ito hiwain ng pahaba.
  4. Mag balat ng carrots at hiwain ito ng pahaba ng kagaya sa panahog sa pansit at pwede ring gumawa ng hugis bulaklak upang may gawing palamuti kapag maglalagay na ng atchara sa garapon.
  5. Balatan ang buong pinya at hatiin ito upang mahiwa ng maliliit, pwede ring gumamit ng mga preservatives pineapple chunks or slice.
  6. Hiwain ang bell pepper ng pahaba.
  7. Ihanda ang pasas at iba panh mga sangkap

 

Delicious Atchara Recipe 1

 Paraan ng pagluluto ng sabaw ng atchara

 

  1. Saa isnag malinis na kaldero o kaserola, ilagay ang 2 cups of water and 2 cups of Vinegar
  2. Ilagay ang asukal na pula at haluin ito hanggang sa matunay sa tubig at suka.
  3. Maari ding lagyan ng asin upang pang balance sa lasa ng sabaw dahil marami sa mga pilipino lalo na sa mga matatanda ang hindi mahilig sa masyadong matamis. Kaya’t haluan ng kaunting asin upang mas maging maayos ang lasa nito.
  4. Takpan ang kaldero/kaserola at hintayin itong kumulo.
  5. Pagkaalipas ng 5-10 minuto dipende sa dami ng ilulutong sabaw magsisimula na itong kumulo.
  6. Ilagay aang mga sangkap sa kumulong sabaw, ilagay ang nahiwang sibuyas, bawang, luya, carrrots, pasas/raisins.
  7. Ihalo at pakuluang muli ito hanggang sa manuot sa sabaw ang lasa ng mga sangkap.
  8. Pagkalipas ng 3-5 minuto pwede ng ilagay ang paminta,pinya at bell pepper.
  9. Hanguin ito mula sa apoy at ibuhos ang sabaw sa naihandang nagadgad na fresh papaya.
  10. Ihalo ng ihalo ang sabaw saa papaya at hintaying lumamig ito ng kaunti at maaari na itong ilagay sa garapon upang ma-atchara.
OnlineJobs.ph Banner 336x280

 Mga benepisyo ng atchara

 

Health benefits of papaya

-Great in lowering cholesterol. It is rich in fiber, Vitamin C, and antioxidants.

  • Malaking tulong ang atchara upang malabanan ang pagkakaroon ng bad cholesterol at upang mabigyan ng sapat naa bitamina ang ating katawan

-Aids in weight loss.

  • Nakatutulong din ito upang mapabilis ang pagpapababa ng timbang at pagkakaroon ng proper diet

-Boosts the immune system.

  • Pinalalakas ang katawan laban sa anumang sakit

-Great snacks for persons with diabetes.

  • Mainam na pang meeyenda at pwede din pang ulam

-Aids in good eye health.

  • Nakatutulong din ang atchara upang magkaroon ng malusog at malinaw na paningin

-Improves digestion with its fiber content.

  • Mainam ang atchara saa ating tiyan laking tulong din ito sa ating digestive system at nagdudulot ng magandang pag tunaw ng mga kinain

-Helps ease menstrual cramps.

  • Mahalagaang malaman ng mga kababaihan na malaking tulong ang papaya o atchara upang maibsan ang sakit na nararamdaman sa tuwing makararanas ng mestrual cramps.
Delicious Atchara Recipe 2

Ito na siguro ang pinakasikat na appetizer sa Pilipinas dahil parang may kanya-kanyang version ang bawat rehiyon. Ang matamis at maasim na pampagana na ito ay kadalasang inihahain kasama ng mga piniritong pagkain tulad ng crispy pata, longganisa, tocino, at maging ang lechon manok. Bilang karagdagan, maaari rin itong magbigay ng buhay sa mga mapurol na pagkain.

Mapapasarap ang kain mo rito kaya hinihikayat ko ang bawat isa na subukang kumain ng atchara at maari din itong pagkakitaan o gawing negosyo, likas sa ating mga Pilipino ang pagiging madiakarte sa buhay kaya lahat ng bagay ay pwedeng gawin pagkunang yaman. Gumawa ng Special Atchara at tiyak na maiibigan ng masa.

 

How To Make A Delicious Mango Cheesecake Recipe

How To Make A Delicious Mango Cheesecake Recipe A fresh delicious mango cheesecake will certainly be a popular dessert at your gathering! Can you imagine it’s a hot humid day? Besides being refreshed, how about tickling your taste buds with a fresh delicious mango...

How Chickens Are Raised In The Philippines

How Chickens Are Raised In The Philippines Ang pag-aalaga ng mga manok sa likod-bahay ay maaaring maging isang kapakipakinabang na karanasan at isang mahusay na paraan upang turuan ang mga bata tungkol sa kalikasan, agrikultura at responsibilidad sa pag-aalaga ng mga...

Goat Farming In The Philippines

Goat Farming In The Philippines Ang mga magsasaka sa Pilipinas ay nag-aalaga ng katutubong Kambing dahil naniniwala ang mga magsasaka na mas mura ang mga ito sa pag-aalaga kumpara sa mga purebred. Mga 10 katutubong Kambing ang maaaring pakainin sa mga feedstuff na...

How Rice Is Grown In The Philippines And Its Benefits

How Rice Is Grown In The Philippines And Its Benefits   What is Rice or Palay? Ang Palay (Genus Oryza) ay isang halaman sa pamilya ng mga damo na isang pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng halos kalahati ng populasyon ng tao sa buong daigdig. Ang Palay ay...