How  To Grow LARGE and DELICIOUS PAPAYA

  • Ang Papaya ay isa sa mga napakaraming prutas sa Pilipinas at isa ito sa mga yaman ng bansang ito dahil bukod sa madali itong itanim at mabungahin ay mayroon din itong napakaraming pakinabang at tulong sa katawan ng tao.
  • Ang Papaya ay kilala rin sa tawag na Pawpaw at may scientific name itong Carica Papaya

PROCEDURE O PROSESO ng Pagtatanim: Seedling Procedure

 

PAGPILI NG GAGAMITING PUNLA

Unang hakbang saa pagtatanim ng malalaki at masarap na papaya ay ang mainam na pagpili ng bunga na pagkukuhanan ng buto upang gawing punla, kapag tayo ay bibili sa pamilihan ng papaya ay piliin natin ang malaki at maganda upang masiguro na maganda rin ang magiging bunga ng ating tanim lalo na kung ito ay maaalagaaan ng husto.

 

URI NG PAPAYA SA PILIPINAS

Red Lady rin kung tawagin na mapupula ang laman at medyo pahaba ang hugis. Matatamis ito kaya paborito ng marami sa atin lalo ng mga bata. Ito ang ating gagamiting punla sa ating pagtatanim sapagkat ito ang pinaka nagugustuhang klase ng papaya ng mga Pilipino.

 

METHOD OF IMPLANTATION/PARAAN NG PAGPUPUNLA

    Sa proseso ng pagtatanim gamit ang buto ay kailangang ihiwalay ang mas makukulay itim na buto upang ito ang gawing punla, mas malaki ang chance ng mga dark black seeds ng papaya na tumubo bago ito itanim sa lupa ay ipatuyo muna ang buto ng kahit isang araw upang mas ligtas ito sa pagkabulok sa paraan ng pagpupunla maglagay ng matabang klase ng lupa sa Seedling tray na magsisilibing punlaan , lagyan ng isa hanggang tatlong (1-3) seeds ang bawat butas ng tray upang mas masiguro na mayroong mapapatubong buto ng papaya sa bawat butas. Magtanim din ng isang lalaking (1 male) papaya para sa tinatawag na POLLINATION sa buto ng papaya ay maari nating malaman ang babae at lalaki ang mas maitim na buto ay babae ito ang mamumunga at ang mas maputing buto naman ay lalaki.

Planting Papaya

Where To Place The Seeds

Pagkatapos na makapagpunla ng papaya ay siguruhing ilagay o isinop ito sa isang lugar na hindi mababasa ng tubig o mauulanan man upang maiwasan ang pagkabulok ang buto ng punlang Papaya. 

Watering The Seeds

Pagkatapos ay kinakailangang diligan ang punla sa seedling tray kada tatlong araw (every 3 days) at sa pagdidilig mainam na gumamit ng sprayer at huwag basta basta buhusan ng tubig ang mga tanim, mas maayos ang pagkakadilig gamit ang water sprayer dahil kapag binuhusan ang punla gamit ang tabo maaari nitong mabungkal ang buto sa pagkakatanim nito sa lupa.

 

Transferring the seedling to the ground

Ulitin ang pag didilig kada tatlong araw hanggang sa tumubo na ang punla at kapag humaba na ito mula 6-7 inches ay pwede na itong ilipat ng pagkakatanim sa direktang lupa hintayin itong mabuhay at lumago.

How to Fertilize Papaya Tree

After 30 days or 1 month of transferring the seedling to the ground. Pwede na itong lagyan ng pataba or fertilizer gumamit ng brown abono or Urea brown organic fertilizer  dahil ito ang subok ng ginagamit ng mga magsasaka at nagtatanim ng mga gulay at prutas, siguruhin din na huwag ididikit o idi-direkta ang pataba sa mismong puno ng Papaya lagyan ito ng pagitan for atleast 2-4 inches na layo ng abono sa puno at takpan ang abono upang hindi ito tangayin ng tubig sakali mang umulan.

Wait for fruits

Pagkatapos ng prosesong ito ay maghihintay nalang ng ilang araw upang ito ay mamunga at maani, 100 days pagkatapos mailipat sa matabang lupa ang punla ay magsisimula na itong mamulaklak at isang linggo hanggang dalawang linggo ay lalabas na ang bunga mula sa bulaklak ng papaya. 

 

OnlineJobs.ph Banner 728x90

 

Remove the sprouting leaves

    hintayin itong lumaki at habang lumalaki ang bunga ay may mga dahon na magsisimulang sumibol kailangan itong tanggalin mula sa puno upang hindi agawin ang sustansya ng puno na dapat mapunta sa bunga mas magiging malaki at malusog ang bunga ng papaya kung doon lang mismo dumidiretso ang lahat ng nutrients kaya kailangan ang pag aalaga sa tanim na papaya kung nais nating maging maganda ang bunga nito. Kaya’t siguruhing alisin ang mga sumisibol na dahon upang mapangalagaan ng husto ang bunga at maging mas malaki at masarap ang ating papaya.

 

 

Growing Papaya

Life span of papaya tree

   Tumatagal ang buhay  ng papaya ng                                       hanging 3-4 na taon. Tumataas naman ito hanggang 26 ft. Kaya’t ang iba ay humuhukay ng medyo malalim upang hindi mahirap abutin kapag ito ay namunga na.Itanim din ito ng may isa o dalawang dipa ang layo upang hindi mahirapang lumaki. Sulit na sulit kapag namunga na ito. Maaari din itong tumagal hanggang sa 25 years depende sa pangangalaga sa puno, ngunit kapag ito’y sobrang tagal na maaring magbago ang kanyang pamumunga maaring mabawasan ang laki at lasi ng kanyang bunga.

 

Benefits of Papaya tree

Napakaraming pakinabang ng papaya kung hilaw pa ay maaaring gawing sangkap sa ating mga lutuin bilang gulay o ‘di kaya’y gawing salad o atsara (Pickled papaya). Kapag nahinog ay puwedeng-puwede nang lantakan dahil sa matamis na lasa nito. Maging aang kanyang dahon ay may pakinabang sa atin maari itong ilaga at inumin ang katas ng dahon upang maging proteksyon laban sa dengue, maging ang pagkain ng hinog na papaya ay mabisa panlaban sa dengue kaya napakahalaga din ng papaya sa ating mga katawan.

 

OnlineJobs.ph Banner 336x280

How to Harvest Papaya

Sa pamamaraan naman ng pag ani ay kinakailangan siguruhin na magulang na ito bago pitasin upang siguradong mahihnog ang bunga, hintaying magkaroon ng kulay yellow ang bunga bago ito pitasin mhla sa puno upang mas maganda ang pagpapahinog at mas matamis ito kapag ating kakainin ika nga nating mga  Pilipino mas matamis ang prutas kapag ito’y hinog sa puno.

 

Mapalad ang Pilipinas sapagkat hindi mahirap hanapin ang mga naturang prutas at kahit sino ay pwedeng magtanim nito kahit sa kani-kanilang bakuran lamang, pwede pa itong pagkakitaan likas sa ating mga Pilipino ang pagiging madiskarte sa buhay kaya wag nating sayanging ang regalo ng ating inang kalikasan pangalagaan ang kapaligiran magtanim at umani upang buhay ay mapangalagaan.  

 

 

How To Make A Delicious Mango Cheesecake Recipe

How To Make A Delicious Mango Cheesecake Recipe A fresh delicious mango cheesecake will certainly be a popular dessert at your gathering! Can you imagine it’s a hot humid day? Besides being refreshed, how about tickling your taste buds with a fresh delicious mango...

How Chickens Are Raised In The Philippines

How Chickens Are Raised In The Philippines Ang pag-aalaga ng mga manok sa likod-bahay ay maaaring maging isang kapakipakinabang na karanasan at isang mahusay na paraan upang turuan ang mga bata tungkol sa kalikasan, agrikultura at responsibilidad sa pag-aalaga ng mga...

Goat Farming In The Philippines

Goat Farming In The Philippines Ang mga magsasaka sa Pilipinas ay nag-aalaga ng katutubong Kambing dahil naniniwala ang mga magsasaka na mas mura ang mga ito sa pag-aalaga kumpara sa mga purebred. Mga 10 katutubong Kambing ang maaaring pakainin sa mga feedstuff na...

How Rice Is Grown In The Philippines And Its Benefits

How Rice Is Grown In The Philippines And Its Benefits   What is Rice or Palay? Ang Palay (Genus Oryza) ay isang halaman sa pamilya ng mga damo na isang pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng halos kalahati ng populasyon ng tao sa buong daigdig. Ang Palay ay...