How Rice Is Grown In The Philippines And Its Benefits
What is Rice or Palay?
Ang Palay (Genus Oryza) ay isang halaman sa pamilya ng mga damo na isang pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng halos kalahati ng populasyon ng tao sa buong daigdig.
Ang Palay ay kabilang sa uri ng mga gulay. Nababagay ang pagbubungkal ng palay sa mga bansang may mababang gastusin sa paggawa at maraming presipitasyon, dahil higit itong nangangailangan ng masusi at masuring paggawa at gayon din ang na nangangailangan ito ng patubig galing sa mga irigasyon.
Bagaman, maaaring tumubo ang palay kahit saan, kahit sa tabi mismo ng matarik na mga burol.
Ang Palay ang ikatlong pinakamalaki o may pinakamalawak na pananim, pagkatapos ng mais at trigo. Kahit na tubo ito sa Timog Asya at ilang bahagi ng Aprika, naging karaniwan na sa maraming kultura ang pagkalakal at eksportasyon ng palay sa mga nakalipas na mga daantaon.
Ang salitang Palay ay tumutukoy sa halaman at hindi pa nakiskis, Bigas naman na ang tawag dito kapag ito ay nakiskis na, at Kanin naman kapag ito ay luto na at pwede nang kainin.
Who plant rice or palay?
Farmers or Magsasaka
Ang mga magsasaka o magbubukid ay mga tao na nagtatanim, nagpapatubo at nag-aalaga ng mga pananim, ang iba rin ay nag-aalaga ng mga hayop at nabubuhay na mga organismong gagamitin bilang pagkain, at bilang hilaw na kasangkapan. Isa itong karaniwang hanap-buhay para sa mga tao, lalong-lalo na dito sa Bansang Pilipinas, magbuhat na magsimula o magkaroon ng kabihasnan.
Sila ang matiyagang nagsasaka upang ang karamihan ay may makain, ngunit sila din ang halos may pinakamaliit na kinikita sa tuwing dumarating ang anihan. Hindi dahil sa wala silang malaking ani, kundi dahil sa madalas na pagbaba ng presyo ng palay.
Dalawang Paraan ng Pagsasaka
Old Method o Ang lumang pamamaraan
-Kung ating susuriin, napakalayo na ng narating ng teknolohiya sa ating bansa. Ngunit kung ating babalikan, ang payak at mano-manong pamumuhay at pamamaraan noon ng mga magsasaka na siyang pamamaraan pa din ng mangilan-ngilang magsasaka ngayon. Ito ay ang paggamit ng alagang kalabaw sa pag-aararo sa mga palayan. Sa tuwing panahon na ng pagtatanim ay kailangan munang maiprepara ang lupang tatamnan. Kailangang may sapat na tubig ito at maging mala-putik ang texture ng lupa na may excess na tubig. Kasama ang alagang kalabaw, ay aararuhin ito gamit ang araro (bakal na nakakabungkal) upang ang lupa ay mapino. Kapag naihanda na ang lupa, sisimulan na ang paglalagay ng punla. Kapag ang mga punla ay tumubo na, dito na nila uumpisahang bunutin ang lahat ng ito upang layo-layo na itong maitanim sa palayan. Kailangan ng maraming tao upang mas mapabilis ang pagbunot ng mga punla at nang ito’y maitanim na. Pagkatapos nito’y magtatanim na ng palay, at pagkatapos ng pagtatanim ay panahon na ng paghihintay ng kanilang paglaki. Ngunit habang lumalaki ang palay, lumalaki din ang pangangailangan nito magbantay at mag-ingat, dahil maraming maaaring makasira sa pananim ng palay. Isa na ang damo, kaya’t kailangan din na merong pang spray against sa mga damo. Ganun din sa mga mapanirang insekto sa mga palay. Kaya’t kailangan din itong agapan gamit ang mga pesticides na pamatay ng mga insekto.
Pagkatapos ng pagtatanim at paghihintay ng 2-3 months o higit pa, ay maaari nang anihin ang palay. Kakailanganin din ng madaming manpower upang sa gayon ay mapabilis ang pag aani. Gamit ang matalim na kumpay, ay gagapasin ito ng mga mag-aani ng palay. Pagkatapos nito’y kanila na itong ipapa-tresher at tsaka nila ito uumpisahan na ibilad sa araw upang ito ay matuyo at mabenta sa mas mataas na halaga.
Innovative Farming o Makabagong Pagsasaka
-Dahil sa paglago ng ekonomiya sa bawat bansa, isa din sa malawakang lumalago ang pag-angat sa larangan ng teknolohiya. Kung saan may mga gawain na napapadali ng dahil sa mga ito. Sa pagsasaka ay mayroon ding malaking pagbabago, lalo na sa manpower.
Karamihan na ngayon, ay nagrerenta o di kaya ay bumibili ng sariling kuliglig. Kung dati ay araro at kalabaw ang siyang pumipino at nagpreprepara sa lupang sasakahin, ngayon ay may kuliglig na. Dahil naman sa kuliglig ay mas napapagaan at napapadali ang paghahanda ng lupang sasakahin.
Mayroon din tayong tinatawag na “Reaper” ito ay isang bunga ng teknolohiya na mas nagpadali at nagpagaan ng pag aani ng mga palay. Kung dati ay kailangan ng madaming manpower upang mapabilis, ngayon ay dahil sa reaper, hindi na kinakailangan ng madaming tao. Dahil makina na ang gumagalaw, mangilan-ngilan nalang na tripulante ang kakailanganin.
Sa tuwing magbibilad na din ng palay ay kahit hindi na ibilad sa araw sapagkat meron na din ngayong mga solar dryer, na nagbubuga ng mainit na hangin upang sa gayon ay patuyuin ang mga na-harvest na palay.
Ang innovation sa larangan ng pagsasaka ay mayroon ding mga disanvantage; lalong-lalo na sa mga nakikisaka. Sila ang nawalan ng pagkakakitaan, kaya minsan ay nakakalungkot din kung iisipin. Ngunit sadyang hindi din mapipigilan ang mga innovation. At sadya din namang nakakatulong ito sa mga magsasaka uoang mapagaan ang kanilang pagsasaka.
What nutrients does rice need in order to grow properly ?
Rice Fertilization Scheme
First of all, you have to take into consideration the soil condition of your field through semiannual or annual soil testing, before applying any fertilization method. Soil test and tissue analysis is required to determine the nutrient requirements of the rice field.
Ang karaniwang pamamaraan ng pagpapabunga ng palay na ginagamit ng maraming magsasaka ng palay ay nagsasangkot ng 2 pangunahing aplikasyon ng pataba: Ang unang paglalagay ay nagaganap sa halos parehong oras sa pagtatanim o paglipat (o mga 20 araw mamaya) at ang pangalawa ay nagaganap mga 45- 60 araw pagkatapos ng unang aplikasyon. Pagkatapos ng 1.5 – 2 buwan, ang isang mataas na nitrogen fertilizer tulad ng 40-0-0 ay inilalapat ayon sa pangangailangan ng sustansya ng palayan.
AMAZING BENEFITS OF EATING RICE
1. Natural Anti-Inflammatory and Gluten Free
2. Improves Nervous System Health
3. Good Source of Energy
4. Diuretic and Digestive Qualities: Prevents Constipation
5. Can Help Reduce Cancer Risks
6. Prevents Obesity
7. Can be Used for Skin Care
8. Good Source of Protein
9. Promotes Heart Health
10. Controls Blood Sugar Levels and Blood Pressure
Ang pagsasaka ay isa sa mga pinakaimportanteng taglayin ng isang bansa. Sapagkat karamihan ng mga tao sa mundo ay pangunahing pagkain ang kanin. Lalo na dito sa Pilipinas. Ito’y isang pagpapala na mayroong lupain ang Pilipinas na natatamnan ng palay at sadya namang napakagaganda ng mga ani. Ngunit dahil sa pagbaba ng presyo ng palay ngayon, ay talaga namang mapapa-aray ang ating mga magsasaka. Mahal ang abono, ang mga pesticides, matrabaho, ngunit mababa ang bili ng mga supplier. Patuloy nawa na tangkilikin ang sariling palay natin, upang tayo din ay makatulong sa ating mga magsasaka.