RABBIT

Ang rabbit ay isang mammal na mayroong dalawang malalaking ngipin sa harap, malambot na balahibo at malaking tainga. 

Lion Head Rabbit

Lionhead Rabbit

 

What to Prepare And What to Do With Rabbits

  • Una, kailangan mo munang bumili ng pares na Kit (tawag sa baby rabbit) na 1 month old.
  • Kailangan mong magset up ng safe indoor housing para sa kanila.
  • Palaging lagyan ng fresh hay.
  • Papakainin mo sila ng feeds sa umaga at ganun din sa gabi. Ang mga pwedeng feeds na ipakain sa rabbit ay Integra 3000 at Chixer Premium.
  • Pwede din silang pakainin ng carrots at repolyo, pero dapat ay once a week lang. Dahil maaari silang magka-diarrhea sapagkat basa ang mga pagkaing ito.
  • Bedding Materials dahil kailangan din nila ng tuyong lugar
  • Litter Trays and fillings
  • Food bowl or dispenser
  • Bottle or water bowl
  • Toys, dahil sila ay playful pets, kailangan din nila ng mga materials na pweding laruin.
  • Kailangan din ng mga rabbit ma-inject every 2 weeks ng B-Complex upang maiwasan ang diarrhea na sakit.

How to Cure Rabbit’s Diarrhea

Kapag sila naman at nagka-diarrhea kailangan silang turukan ng electrolytes para hindi sila manghina at tuluyang mamatay. O dikaya’y huwag silang pakainin ng basa para hindi sila magtae. 

Ang mga unang sintomas ng diarrhea ay mapapansin kapag nakita mong madumi ang mga balahibo ng rabbit sa may bandang pwetan. Maaari itong mag cause ng secondary skin promblems, as well as weight loss at pagkawala ng ganang kumain. Kapag ang kanilang dumi ay malambot, semi fluid o di kaya’y basa na may halong dugo, posible na ang rabbit ay namimilipit sa sakit ng kanyang tiyan. 

Kaya’t kailangan itong maagapan kaagad para di ito tuluyang mamatay. 

 

Injecting Rabbit To Prevent Illness 

 

Ways of Taking Care of a Rabbit

Sa pagaalaga ng rabbit, kailangang may palaging nakaabang na extrang damo at tubig, para hindi sila ma-heat stroke lalo na sa panahon ng tag-araw. 

Hindi din dapat nakakulong lang sila palagi sa kanilang cage. Kailangan din nila ng daily excercise to stay healthy at upang maiwasan ang physical or behavioral disorders. Pwede mo silang ilabas at ilagay sa mas malawak na area upang sila ay makatalon-talon, makatakbo-takbo, kahit sa loob lang ng ilang minuto kadaw araw. They also need resting/hiding area sa kanilang environment. May mga rabbit na kontento na sa isang box na puno ng hay, pero meron din mga rabbit na mas prefer ang enclosed na box para pagtaguan.

Kailangan itong i-apply hanggang sa marating nila ang edad na anim hanggang pitong buwan (6-7 months) Kapag na-reach na nila ang tatlong buwan, kailangan nang paghiwalayin ang kulungan ng babaeng rabbit sa lalaking rabbit. Nang sa gayon ay hindi sila mag away at magkasakitan. 

Proper Handling A Rabbit

Ang backbone ng mga rabbit ay marurupok at madaling mabali lalo na kapag nagpumiglas ito. Kaya naman it is so important na i-support ang hind end. Huwag na huwag ding pupulutin ang bunny sa kanilang tenga, dahil masyadong masakit ito para sa kanila at hindi naman kinakailangang sa tenga sila pulutin. Mas maiiging i-grasp ang loose skin over the shoulders at kargahin ang rabbit pataas mula sa kanyang chest. Then, place the other hand under the back legs upang itaas ito.

Pero kung ikaw ay wala lang karanasan sa pagbuhat ng rabbit, maiging malapit ka dapat sa sahig para kung sakali mang malaglag ang rabbit ay hindi ito gaanong masasaktan.  

Breeding Rabbits

Dalawang linggo bago breeding, kailangan muna silang i-deworm o purgahin para maalis ang mga uod at kailangang malusog ang rabbit bago ito ipa-stud sa ibang rabbit. Dapat, ang ilalagay sa kulungan ay yung babaeng rabbit o Doe, doon sa kulungan ng lalaking rabbit o Buck.

 Kapag naka dalawa o tatlong tumba na, kailangan nang ihiwalay ang babaeng rabbit sa lalaki. Pagkatapos ng breeding o stud, maghihintay nalang ng 28 to 35 days para manganak ang babaeng rabbit. Panatilihin ding may nakalagay na pagkain at tubig sa kulungan ng buntis na rabbit upang hindi ito makaramdam ng stress. Madalas kaseng makunan ang mga buntis na rabbit sa tuwing nakakaramdam sila ng matinding stress. 

Lactating Period

During lactating period, mainam na pakainin ng dahon ng malunggay ang babaeng rabbit upang kagaya ng tao, dumami ang gatas na maipapasuso nila sa kanilang mga anak. Sapagkat kailangan ng ina na pasusohin ang mga anak nila dalawang beses sa isang araw ng tig limang minuto. 

Pagkalipas ng dalawa o tatlong linggo, ang mga kits ay pwede rin kumain ng katulad sa kinakain ng mga adult rabbits. Maaari na din silang pakainin ng feeds at piling damo. Pagkadating ng isang buwan o anim o walong linggo, pwede nang ihiwalay ang mga kits sa kanilang ina. Sa mga edad na ito ay hindi na nila kailangan ang kanilang ina. At nang sa gayon ay mailipat na sila sa sarili nilang kulungan. Sa mga nag-aalaga’t nagbebenta naman ng rabbit, kapag may isang buwan na ang rabbit ay maaari na din nila itong ibenta for rehoming. 

OnlineJobs.ph Banner 728x90

Life Span Of A Rabbit

Karamihan sa mga Domestic Rabbits ay nabubuhay ng walo hangang labing-dalawang taon. Hindi kagaya ng mga wild rabbits, na laging nae-expose sa sunod-sunod na stress dahil sa mga predators, ang domestic rabbit ay palaging may regular na access sa pagkain at safe na lugar na pwedeng taguan.

Ang mga  Wild rabbits ay napakaimportante sa ecosystem ng ating mundo. Ito ay dahil pinapanatili nila ang mga wild na halaman or mga invasive plants under control. Sa pamamagitan nito, ang ibang mga halaman, insekto at mga ibon ay natututong magpaunlad din.

Many people are attracted to rabbits because of their appearance, they look cute. It has also a soft fur that makes them cuter and more adorable. Gaya ng aso at pusa, bunnies provide great companionship. 

Bilang karagdagan sa pagiging talagang kaibig-ibig, sila rin ay mapagmahal, makukulit at puno ng personalidad. May mga may-ari ng kuneho na nagsasabi na ang kuneho ay nakakatawa, malambing, makulit at minsan madrama.

Huwag maliitin ang mga ito, dahil ang mga kuneho ay matalino. Mayroon din silang saloobin, maaari silang maging bratty, kusa, mapanira at maging mapaghiganti. Mag-ingat ka palagi. 

 

How To Make A Delicious Mango Cheesecake Recipe

How To Make A Delicious Mango Cheesecake Recipe A fresh delicious mango cheesecake will certainly be a popular dessert at your gathering! Can you imagine it’s a hot humid day? Besides being refreshed, how about tickling your taste buds with a fresh delicious mango...

How Chickens Are Raised In The Philippines

How Chickens Are Raised In The Philippines Ang pag-aalaga ng mga manok sa likod-bahay ay maaaring maging isang kapakipakinabang na karanasan at isang mahusay na paraan upang turuan ang mga bata tungkol sa kalikasan, agrikultura at responsibilidad sa pag-aalaga ng mga...

Goat Farming In The Philippines

Goat Farming In The Philippines Ang mga magsasaka sa Pilipinas ay nag-aalaga ng katutubong Kambing dahil naniniwala ang mga magsasaka na mas mura ang mga ito sa pag-aalaga kumpara sa mga purebred. Mga 10 katutubong Kambing ang maaaring pakainin sa mga feedstuff na...

How Rice Is Grown In The Philippines And Its Benefits

How Rice Is Grown In The Philippines And Its Benefits   What is Rice or Palay? Ang Palay (Genus Oryza) ay isang halaman sa pamilya ng mga damo na isang pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng halos kalahati ng populasyon ng tao sa buong daigdig. Ang Palay ay...